-- Advertisements --

Kabilang si Filipino-American Miami Heat coach Erik Spoelstra sa apat na active head coach na pasok sa listahan ng 15 all-time greatest coaches ng NBA.

Inilabas ang naturang listahan sa harap ng ongoing 75th anniversary celebration ng liga.

Kung maalala nagsimula si Spoelstra na maging coach ng Heat noong taong 2008.

Dinala niya ang koponan sa limang NBA finals appearances at nakasungkit ng dalawang kampeonato.

Dahil sa kanyang accomplishment si Erik ang unang Asian-American head coach na nanalo ng NBA championship at kilalanin bilang isa sa best tacticians ng liga.

Nitong lamang nakalipas na araw ay napili siya na maging head coach ng Eastern Conference team sa NBA All-Star 2022.

Habang magiging assistant coach din siya sa susunod na paghahanda ng USA Men’s Basketball Team sa Olympics.

Samantala, bukod kay Spoelstra, pasok din sa nabanggit na listahan sina Steve Kerr ng Golden State Warriors, Gregg Popovich ng San Antonio Spurs, at Doc Rivers ng Philadelphia 76ers.

Napili silang mapasama sa listahan sa pamamagitan nang botohan ng 30 current head coaches at 13 dating NBA head coaches.

erik spoelstra all star

Pasok din sa listahan si Phil Jackson, na mayroong 11 championship wins sa Chicago Bulls at Los Angeles Lakes, at Red Auberbach, na naging guide ng Boston Celtics sa siyam na titles.

Kasama rin si Pat Riley na gumabay naman sa Lakers at Heat sa kabuuang limang korona.

Ang top five sa all-time coaching victories ay sina Don Nelson, Lenny Wilkens, Popovic, Jerry Sloan at Riley.

Sa ngayon sina Spoelstra at Popovich ang longest head coach sa NBA.

Ang ina ng 51-anyos na si Spoelstra ay tubong San Pablo, Laguna.