-- Advertisements --

Ibinahagi ng Filipino-American comedian Jo Koy na ito ay ligtas matapos na mag-emeergency landing ang sinakyan nitong eroplano sa Japan.

Galing sa Pilipinas patungong Los Angeles ang komedyante kasama ang pamilya ng magkaroon ng problema ang sinakyang eroplano.

Sa social media account nito, ay ikinuwento ang pangyayari kung saan habang nasa kasagsagan ng flight ay biglang napuno ng usok ang buong cabin dahil sa problema sa electric connection.

Pinuri nito ang Philippine Airlines dahil sa naging kalmado ang mga staff at mabilis na natugunan ang problema.

Dagdag pa nito na agad silang pinalipat ng ibang mga eroplano patungong Los Angeles.

Pinasalamatan nito ang mga fans na nagpahayag ng suporta at nangumusta sa kaniyang kalagayan.