-- Advertisements --

ILOILO CITY – Kasama ang Filipino-American (Fil-Am) internet sensation na si Bretman Rock na nakabase ngayon sa Hunolulu, Hawai sa mga magiging guest stars at magvo-voice sa Disney’s “Proud Family: Louder and Prouder premiering in 2022.”

Inanunsiyo naman ito ng multimedia giant sa Twitter.

Makakasama naman ni Bretman Rock sa series na ito ang mga malalaking pangalan sa Hollywood kabilang dito sina Eva Longoria, Jane Lynch, jaden Smith, Brenda Song, Gabrielle Union at marami pang iba.

Ang The Proud Family: Louder and Prouder ay isang revival ng kilalang animated series na The Proud Family na nag-debut sa Disney Channel 20 years na ang nakalipas.

Lahat ng seasons ng orihinal na palabas ay nagtapos taong 2005.

Ang rebooted series na nagtapos taong 2005 ay bubuhayin at itutuloy ang storya ni Penny Proud at ng kanyang pamilya na ipapalabas sa Disney Plus.