-- Advertisements --
Nanfangao fish harbour bridge
Nanfangao fish harbour bridge

ROXAS CITY – Isinalaysay ng mga mangingisdang Filipino at Indonesian national kung paano sila nakaligtas sa kapahamakan matapos nawasak ng gumuhong tulay sa Taiwan, ang tatlong fishing boats na may sakay na 20 migrant fishermen.

Idinetalye ng kalalabas sa ospital na Pinoy fisherman na si John Vicente Royo 37 taong gulang at residente ng probinsiya ng Romblon na masuwerteng nakatalon dahil may ginagawa ito sa itaas ng sakayan pangisda ng gumuho ang tulay.

Ayon kay Royo na lubhang mabilis ang pangyayari dahil segundo lamang ang lumipas ay wasak na ang mga fishing boats at marami ang sugatang mangingisda.

Hindi rin napigilan ni Royo na maging emosyunal at nagpapasalamat sa Diyos, dahil ito ay nakaligtas, kung saan unang pumasok sa kanyang isip matapos mailigtas ng nagrespondeng mangingisda ang tatlong anak sa Pilipinas.

Nabatid na nawala lahat ng personal na gamit ni Royo kabilang ang kanyang passport, wedding ring at cash savings na umaabot sa 10,000 New Taiwan Dollar o 968 US dollar.

Samantala ayon naman sa Indonesian national na si Miswan ng Central Java, Indonesia, hinila ito palabas sa kanyang bangka na malapit lamang sa pier kung saan gumuho ang tulay.