-- Advertisements --

“Road to Paris 2024.” 

Iyan ang sinabi ng Filipino Boxer Carlo Paalam sa kaniyang post matapos na manalo at magkaroon siya ng spot upang tuluyan nang lumaban para sa Paris Olympics 2024.

Ito ay dahil matagumpay niyang natalo ang kanilang kalaban na si Sachin Siwach ng India via unanimous decision sa men’s 57kg event ng 2nd Olympic Boxing Qualification Tournament na ginanap sa Thailand.

Ayon din kay Paalam, lubos niyang pinasasaalamatan ang Poong Maykapal dahil mas naging buo raw siya sa pagkamit ng ticket para sa nasabing Olympics, gayundin ang taos puso niyang pasasalamat para sa Philippine Sports Commission, Association of Boxing Alliance in the Philippines at sa kaniyang pamilya na walang sawang sumusuporta at nagbibigay ng tiwala sa kaniya.

Si Paalam ay ang ika-14 na atleta na kakatawan sa ating bansa sa Paris Olympics sa darating na Hulyo 2024.