-- Advertisements --
Nagtamo ng ankle injury si Filipino boxer Irish Magno habang ito ay nasa training sa Tokyo.
Sinabi Team Philippine Chef de Mission Mariano “Nonong” Araneta na nagsasagawa ng jumping rope si Magno ng matamo ang injury.
Agad itong binigyang lunas ng coach nito na si Nolito “Boy” Velasco.
Isa si Magno na nasa Olympic Village nitong weekend para sa pagsabak sa Tokyo Olympic na magsisimula sa Biyernes Hulyo 23.
Kasama ng 23-anyos na Iloilo native ang mga Filipino boxers na sin middleweight Eumir Marcial, women’s featherweight Nesthy Petecio at flyweight boxer Carlo Paalam.