-- Advertisements --
Roberto Ongpin Philweb Edited

Pumanaw na sa edad na 86 ang Filipino business tycoon at dating Trade Secretary na si Roberto Ongpin noong sabado ng gabi ayon sa kanyang pamilya noong linggo.

Ayon sa kanyang pamangkin na si Apa Ongpin, namatay habang natutulog si Roberto Ongpin sa Balesin Island, isang private Island sa Polillo Quezon na pag-aari ng kanilang pamilya.

Noong 2022, pinangalanan ng Forbes Magazine si Ongpin bilang ika-23 pinakamayamang Pilipino na may net worth na $830 milyon (P44.5 bilyon).

Si Ongpin ay nagsilbi bilang ministro ng Commerce and Industry na ngayon ay Department of Trade and Industry sa noong presidente na si yumaong Ferdinand Marcos Sr.

Ang mga labi ni Ongpin ay dadalhin sa Maynila ngunit wala pang detalye kung saan gaganapin ang burol nito.