-- Advertisements --
Hinarap ng Department of Tourism ang ilang lider ng Filipino-Chinese businesses sa bansa.
Kabilang sa pagpupulong si DOT Secretary Christina Garcia Frasco , Special Envoy to China Benito Techico at mga opisyal ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc.
Naging agenda ng meeting ang heritage conservation, urban revitalization at mga hakbang sa pagpapalakas ng cultural tourism sa mga national heritage sites sa buong bansa.
Tinalakay rin ang mga hakbang para makamit ang sustainable tourism at mga kinakailangang suporta sa mga proyekto ng gobyerno.