Nanawagan ngayon ang Filipino-Chinese Businessmen sa gobyerno ng Pilipinas at China na muling pag-usapan ang isyu sa West Philippine Sea.
May kinalaman pa rin ito sa tumitinding iringan ng Philippine Coast Guard at Chinese Coast Guard sa naturang pinag-aagawang rehiyon.
Sa isang pahayag, sinabi ni Dr. Cecilio Pedro, President ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Incorporated, importante na muling mag-usap ang dalawang bansa ng sa gayon ay hindi na maiwasan ang paglala ng tesyon.
Ayon kay Pedro, maraming chinese ang nagnanais na mamuhunan sa Pilipinas kabilang na rito ang sektor ng enerhiya at manufacturing.
Dahil na rin aniya sa gusot ng dalawang bansa, karamihan sa mga chinese businessmen ay nagtutungo na lamang sa ibang bansa tulad ng Vietnam at Cambodia.
Naniniwala naman ang mga Filipino Chinese Businessmen na hindi makikipag giyera ang China sa PIlipinas.