-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Mahigpit na pinaalalahanan ng gobyerno ng Israel ang lahat ng mamamayan nito na manatili sa kani-kanilang bahay sa gitna ng nagpapatuloy na kaguluhan sa naturang bansa, kasunod ng unang paglusob na ginawa ng militanteng grupong Hamas.

Sa pagsasalarawan ng Bombo International Correspondent Noemi Maring sa Israel na mistulang nag-lockdown dahil iniutos sa kanila na huwag kaagad magbubukas ng kanilang bahay ng kahit sino dahil baka pasukin sila ng ilang miyembro ng militanteng grupong Hamas.

Aniya, tiwala sila sa ginagawang hakbang ngayon ng gobyerno ng Israel na silay poprotektahan.

Kuwento naman nito, naririnig nila ang mga rockets na tumatama sa bansa na kung saan ang iilan ay napipigilan ng iron dome.
Dasal nito na mahinto na ang kaguluhan sa Israel.