KALIBO, AKLAN – Ikinagulat at ikinalungkot ng Filipino community ang tuluyang pagbitaw sa pwesto ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe dahil sa sakit na ulcerative colitis.
Ayon kay Bombo International Correspondent Lalaine Teodosio, tubong Banga, Aklan at kasalukuyang naninirahan sa Hokkaido, Japan na ramdam nila ang malasakit nito sa mga Filipino lalo na noong ipinatupad ang lockdown dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ipinag-utos umano nito na bigyan ang lahat ng ayuda.
Pinuri rin nila si Abe na itinuturing na pinakamatagal na nanungkulang premier ng Japan dahil sa pagiging malapit na kaibigan ng Pilipinas.
Kasabay nito, umaasa pa rin sila na bumuti ang kalusugan ng dating prime minister.
Samantala, sinabi ni Teodosio na wala pang napiling papalit kay Abe sa pwesto.