-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nanawagan ang Filipino Community sa Estados Unidos na tigilan ang asian discrimination.

Ito ay kasunod ng nangyaring massacre sa pagdiriwang ng Lunar New Year sa Star Ballroom Dance Studio sa Monterey Park sa California sa Amerika.

Ang suspek sa pamamaril ay ang 72-year-old na si Huu Can Tran at isang Asian-American.

Kabilang naman 11 nasawi ay ang 68 anyos na Pinoy na si Valentino Alvero.

Ayon kay Bombo John Tacapan, International Correspondent sa California, labis silang nabahala sa kanilang seguridad dahil tiyak anya na sisisihin naman ang mga Asyano sa pangyayari.

Anya, hindi dapat sisihin ang lahi ng isang tao sa isang pangyayari kagaya na lang ng nangyari sa California.

Sa ngayon anya, pinayuhan sila ng konsulada na mag-ingat at maging mapagmatyag.