-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patuloy ngayon na pinaghahanap ng mga otoridad ang Ilonggo nurse na missing sa New York ,USA.

Ito ay si Leo Castigador, 39, residente ng Calinog, Iloilo ngunit nagtatrabaho sa Mount Sinai Hospital sa New York City.

Ayon kay Bombo International Correspondent Rufino ‘Pinoy’ Gonzales, nawala si Castigador sa 125th St. sa Manhattan, New York, USA mula pa noong linggo.

Ang nasabing lugar anya ay pinamumugaran ng mga Black Americans.

Maliba dito, isa rin anya sa pinakadelikadong lugar sa Estados Unidos ang New York.