-- Advertisements --
Bahamas
Bahamas map

VIGAN CITY – Idineklara na umano ng gobiyerno sa Bahamas na walang pasok sa paaralan at opisina sa mga lugar kung saan naglandfall ang Hurricane Dorian, nitong Lunes ng umaga sa nasabing bansa.

Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo Vigan ni Bombo International Correspondent Domingo Amit na taga- Pantay Daya, Vigan City, Ilocos Sur ngunit nagtatrabaho bilang nurse sa Nassau province, Bahamas.

Base sa report na ipinadala sa Bombo Radyo Vigan ni Amit, nakahanda na umano ang kapuwa nito miyembro ng Filipino community sa nasabing bansa na umagapay sa mga residenteng labis na maaapektuhan ng nasabing hurricane na tinatayang sa Lunes pa makakaalis sa nasabing bansa dahil sa mabagal na pagkilos nito.

Samantala, ibinalita pa nito na bago pa man umano manalasa sa Bahamas nasabing hurricane ay nakahanda na ang lahat ng opisyal ng gobiyerno para sa mga tulong na ibibigay sa mga masasalanta nito.

Ipinag-utos na rin umano ni Prime Minister Hubert Minnis ang mandatory evacuation sa mga lugar kung saan naglandfall ang hurricane at kung saan pa ito dadaaan sa paglabas nito sa nasabing bansa.