-- Advertisements --

Nagtutulungan ngayon ang Filipino community sa China sa pamimili ng kakailanganin ng mga kapwa Pilipino kasabay sa pagtaas at paglaganap sa kaso ng coronavirus.

Kabilang sa mga pinamili ng mga ito ay mga pagkain gaya ng corned beef, itlog, at bigas.

Nagtungo rin sila sa mga botika para maghanap ng alcohol, sanitizer at iba pa.

Ayon pa kay Lalaine Siason, tubong Davao at 15 taong nagtatrabaho sa Beijing, China bilang caregiver, wala naman umano silang nakikitang problema sa lugar at ligtas naman ang mga ito.

Dagdag pa niya, fake umano ang mga sabi-sabing chaos at apocalyse sa lugar.

Nagpasalamat naman ito sa isang grupong tumulong sa kanila at nagbigay financial assistance upang mabili ang mga kakailanganin.

Maliban pa, pinasalamatan naman nila ang tulong ng gobyerno ng Pilipinas pati na rin ang mga opisyal sa Wuhan.