-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nagtutulungan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Israel para hindi lalong mahirapan ang mga naapektuhan sa epekto ng coronavirus disease.

Sa ulat ni Bombo International Correspondent Viola Pagoli, isang caragiver sa Israel, aktibo ang Filipino community doon na tumutulong sa mga naapektuhang Pinoy.

Sinabi niyang namamahagi ng relief goods ang Filipino community para sa nawalan ng trabaho at gamot sa mga may sakit.

Binanggit niyang marami ding Pinoy ang apektado sa kanselasyon ng mga flights lalo na iyong mga magbabakasyon sana dito sa Pilipinas.

Inihayag niyang temporaryong hindi muna makakabalik sa Israel ang mga OFWs na nagbakasyon dito sa Pilipinas.

Inilarawan ni Pagoli bilang ghost town ang Israel dahil sa mahigpit na quarantine.

Aniya, ang mga pinapayagan lamang na lumabas sa kanilang tahanan ay ang mga bibili ng pagkain at gamot.

Idinagdag niyang sapat ang suplay ng pagkain doon dahil sa malaking suporta ng pamahalaan ng Israel.