-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Masaya ang Filipino Community sa Israel sa ceasefire deal sa pagitan ng nasabing bansa at sa Hezbollah sa Lebanon.
Napag-alamang epektibo simula kahapon ang ceasefire na nag-marka sa pagtatapos sa 13 buwan na giyera.
Ayon kay Bombo International Correspondent Marc Pleños, direkta sa Israel, na sa pamamagitan sa ceasefire, mawawala na ang kanilang kaba sa mga missiles galing sa Hezbollah.
Tinukoy rin nito na apektado silang mga Filipino sa pag-atake sa Hezbollah gamit ang mga missiles dahil kahit na may kumpiyansa sila sa depensa sa israel, may makakalusot rin.
Umaasa rin si Pleños na makamit rin ang ceasefire deal sa Israel laban sa ibang mga kalaban kagaya sa militantng grupong Hamas sa Gaza.