-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Ikinagulat ng Filipino community sa bansang Kuwait ang kinasasangkutang krimen ng isang Pinay domestic worker kung saan, nasawi ang 18 months old na baby matapos niyang isinilid sa washing machine sa bahay mismo ng kaniyang amo sa Saba-Al Salem.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Dennis Nama, kinilabutan sila nang malaman ang insidente na kagagawan ng pinay na tubong Alcalas, Cagayan at nangangamba para sa kanilang kalagayan sa nasabing bansa.

Sa nangyaring insidente ay posible aniyang mapag-initan silang mga Pinoy dahil sa hindi biro ang ginawa ng Pinay worker na ikinasawa ng bata.

Isinailalamisa psychological examination ang nasabing pinay matapos napag-alaman na nakaranas ito ng depression.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.