-- Advertisements --

CEBU CITY – Excited na ang mga Filipino sa New York City, USA sa pagdating ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. para sa state visit nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Catalina Suerte, isang guro at miyembro ng United Federation of Fil-Am Educators, New Jersey Chapter, na abala sila ngayon sa paghahanda sa pagbisita ng pangulo lalong-lalo na sa seguridad nito na kinakailangang in-place na ang lahat.

Aniya, tinatayang nasa 1,500 na mga indibidwal ang dadalo sa nasabing aktibidad na galing pa sa iba’t-ibang estado ng US gayundin ang pagdating ng mga delegasyon mula sa Canada.

Ayon kay Suerte na maliban sa ‘speaking engagement’ ng pangulo sa United Nations ay naka-schedule din ito na makikipagkita sa Filipino community para na rin sa pagkilala ng mga Filipino frontliners.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang kanilang pag-finalize sa venue kung saan isasagawa ng pangulong Marcos, Jr. ang pakikipagsalamuha sa mga Pinoy sa Estados Unidos.