-- Advertisements --
TURKEY QUAKE

Nag-aambag-ambag ang Filipino community sa Turkey upang makatulong sa mga biktima ng magkasunod na 7.8- at 7.5-magnitude na lindol sa Turkey at Syria.

Ayon kay Bombo Nes Herbo, international correspondent sa Turkey, idinadaan din ng grupo ang nakolekta na goods sa Philippine embassy.

Una nang sinabi ng Department of Migrant Workers na 193 na mga Pinoy ang apektado ng naturang lindol sa 3 Turkish provinces: 113 sa Hatay, 51 sa Adana, kag 29 sa Gaziantep.

Ayon kay Herbo, patuloy pa na vine-verify ang pagkakakilanlan ng isang Filipino worker umano sa Hatay o southernmost province ng bansa na natabunan umano ng debris kasunod ng pagyanig.

Umaasa rin ang mga Pinoy sa pagdating ng tulong mula sa Department of Foreign Affairs kabilang na ang 85-person team ng disaster response specialists at healthcare workers na ipinangako ng Marcos Jr. administration na ipalada sa Turkey at Syria.

May three-month state of emergency rin sa 10 southern provinces sa Turkey.