BUTUAN CITY – Excited na ang Filipino community sa Estados Unidos lalo na sa Washington DC sa pagtugon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa imbitasyon ni US President Joe Biden sa kanya.
Kasama sa excited na rin na makahalubilo ang pangulo sa Pilipinas ang iba pang mga world leaders lalo na’t layunin nito ang pagbibigay ng sound investment sa mga bansang nais na mamumuhunan dito sa Pilipinas.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Bombo international correspondent sa Washington Atty. Arnedo Valera na kasama sa mga aktibidad na dadaluhan ni Pangulong BBM ay ang 77th United Nations General Assembly na sisimulan sa Setyembre a-13 na susundan naman ng summit sa Setyembre a-19 na iko-convene ng UN Secretary General para sa education transformation.
Sa Setyembre a-20 hanggang a-26 naman ay ang general debate kungsaan magbibigay ng talumpati si Pangulong Marcos at mayroon din siyang mga side meetings kay President Joe Biden upang tatalakayin ang iilang mga isyu.
Aminado si Atty. Valera na hindi maiiwasan sa isang malayang bansa gaya ng Pilipinas at Amerika na mayroong mga pro at anti-government supporters kung kaya’t hindi na dapat na ipagtataka pa, kung sa pagbisita ni Pangulong Marcos sa Amerika ay mayroong mga magpo-protesta.
Hindi umano ito dapat na ikakabahala dahil sa buong Estados Unidos ay nakuha ng BBM -Sara tandem ang mayoriya ng kanilang mga boto.