-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nakikita umano ng ilang Pilipino si Pangulong Rodrigo Duterte sa katauhan ni US President Donald Trump na rason upang magpahayag ng suporta dito sa paparating na mga US elections.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Dan Jimenez, Filipino resident sa Maryland, kumpiyansa ito sa trabaho ng incumbent president.

Iginiit ni Jimenez na hindi niya ibinoto si Trump noong 2016 dahil nayayabangan sa businessman na walang political background, gaya ni dating Democratic Presidential nominee Hillary Clinton.

Subalit sa nakalipas na apat na taon, napatunayan aniya ni Trump ang mga magagawa nito para sa Estados Unidos.

Kabilang sa hinahangaan ni Jimenez ang pagtaas ng pondo sa historical black colleges, pagpapalaya sa non-violent offenders, lowest unemployment rate ng Amerika sa nakalipas na mga taon at pagsasaayos ng buhay ng economic minorities.

Aminado din itong hindi nagugustuhan ang pananalita ni Trump subalit ang kakayanan aniya sa pamumuno ang pinagbabasehan.