-- Advertisements --

Patay ang isang Filipino crew ng nasunog na supertanker sa Indian Ocean.

Ito mismo ang kinumpirma ng tagapagsalita ng Sri Lanka Navy kung saan mayroong 18 mga Filipino crewmen ang nasabing barko.

Nasa 2 million na bareles ng oil ang karga ng New Diamond Tanker na ito ay naglalayag mula Kuwait at Indian Ocean.

Bukod sa mga Pinoy ay mayroon limang Greek crewmen na lulan ang nasabing barko.

Inaalam pa rin ng mga otoridad ang sanhi ng pagkakasunog ng oil tanker.