Umaasa umano si Miss Universe Canada Nova Stevens na maaayos ang naging gusot sa pagitan ng kanyang team at ng Dubai-based Filipino fashion designer na si Michael Cinco.
Ito’y matapos hindi na makapagpigil si Cinco na patulan ang mga paratang na sinabotahe nito ang mga gown ng Miss Canada sa nagdaang Miss Universe journey nito kaya bigong manalo.
Isa sa mga buwelta ni Cinco ay ‘yaong pinilit daw siya ng team ng 26-year-old Canadian beauty queen na gawing size 23 ang waistline ng gown nito, kahit ang totoo ay size 26 ang bewang nito.
Hamon pa ng kilalang designer na huwag nang hihingi ng tulong sa mga kapwa niya Pinoy sa mundo ng fashion, lalo’t hindi naman daw marunong magbayad o kahit magpasalamat lang sa kanila.
Sa panig ni Nova na minsang na-bully dahil sa kulay ng balat, naiipit siya sa sitwasyon lalo’t pareho nitong mahal ang kanyang team at si Cinco.
“Michael, I have nothing but love and gratitude towards you. You have created the most beautiful gowns I could even think of,” saad ni Stevens sa kanyang IC account na ngayon ay naka-private na.
Dagdag nito, “I want you guys to stop fighting. I want this to be taken privately. I don’t think you are both deserving of this, it’s not fair for all of your hard work. I don’t want anyone to question your integrity because I stand behind all of you. I think you are all creative individuals.”
“So for all of you online, please don’t get into the drama. It’s not worth it. Let’s not spread more negativity, let’s spread love.”
Ka-batch ng Canadian Miss Universe bet ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.
Gayunman, nakapasok si Rabiya hanggang sa Top 21 habang laglag naman ang Miss Canada.