-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Naitampok at nag-world premiere ang pelikulang “The Brokers” sa 34th Tokyo International Film Festival.

Ang nasabing pelikula ay pinagbibidahan nina Joel Torre, JC De Vera, at Max Eigennman.

Sa naging exclusive interview ng 89.5 Star FM Baguio sa direktor ng “The Brokers” na si Direk Daniel Palacio, natutuwa ito na sa ikalawang pagkakataon ay nakapasok muli ang sa isang prestihiyosong film festival.

the broker tokyo

Looking forward ito na manalo sa Asian Future Section ng TIFF kung saan siyam pang mga foreign films ang makakalaban nito.

“I’m very happy kasi this is my second time in Tokyo, my first one was in 2017 with my debut film ‘Pailalim’. This time, it will have its world premiere in Tokyo kaya ngayon in competition siya. So hopefully, sana kahit papaano manalo siya. Alam mo naman ang quality ng film making ng Philippines is with an international standard.”

Ibinahagi rin nito na napaka-professional at maayos na katrabaho ang mga bida ng pelikula na sina Joel Torre, JC De Vera, at Max Eigennman na kahit kinunan ang pelikula sa panahon ng pandemya ay maasahan raw umano ang mga ito.

“You know sobrang swerte ko kasi sobrang professional ng cast ko eh, we were shooting during the pandemic and anytime you call them talagang ready sila. They were times na talagang bawal ang production, pero once na nag-reresume yung production tinatawagan ko sila ‘Ano Max, JC, Joel, let’ s do it now?’ Then in just 5 minutes nagconfirm na sila and after that go na sila sa resumption ng shooting”

Maliban pa sa “The Brokers” apat pang pelikulang pilipino ang ipinapalabas sa Tokyo International Film Festival kabilang na ang “Resbak” at “GenSan Punch” ni Brillante Mendoza at “Arisaka” ni Mikhail Red.