Nakahanda na ang Department of Agriculture (DA) para sa pagdiriwang ng “Filipino Food Month” o ang “Buwan ng Kalutong Pilipino” ngayong Abril.
Katuwang ng DA sa programang ito ay ang National Commission for Culture and Arts at ang Philippine Culinary Heritage Movement (PCHM).
Layon ng selebrasyon sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 469 na pahalagahan, pangalagaan at maprotektahan ang mga tradisyong pinoy pagdating pagluluto ng mga pagkaing pilipino.
Ngayong taon nakatakdang isagawa ang kick-off ng selebrasyon sa lalawigan ng Quezon Province kung saan kikilalanin ang mayabong na agrikultural at culinary heritage nito.
Sa bahagi naman ng PCHM, maglulunsad ang kanilang pamunuan ng KAINCON 2025 kung saan imbitado ang mga chef, gastronomic experts, mga lokal na magsasaka at maging ilang agricultural researchers ng local food industry para pagusapan ang local food cultivation.
Samanatala, ang DA naman ay maglulunsad ng mga school campaigns at mini caravans para sa pagdiriwang ng “Buwan ng Kalutong Pilipino.”
Nakatakda naman na magorganisa ng tatlong araw na trade fair ang DA para itampok ang mga produkto ng mga Farmer’s Cooperative Associations, Micro, Small and Medium enterprises (MSME’s) at ilang pang kaugnay na ahensya.