-- Advertisements --

Inanunsyo ng French Embassy na ang lalaking pinagsasaksak-patay sa isang pag-atake malapit sa Eiffel Tower Paris ay isang Filipino-German.

Sinabi ni French Ambassador Marie Fontanel na ang lalaki ay isang turista na may German-Filipino nationality.

Aniya, sa ngalan ng gobyerno ng France, nais nitong ipahatid ang pakikiramay sa pamilya at kamag-anak ng biktima.

Ayon sa mga ulat, ang attacker na agad na inaresto, ay isang French citizen na kilala na isa intelligence authorities.

Dagdag dito, gumamit ng taser ang mga pulis na tumugon sa pinangyarihan upang i-neutralize ang attacker.

Dalawang iba pa ang nasugatan sa pag-atake na isang French at isang British national.

Sinabi ng mga awtoridad ang suspect ay isinilang sa France noong 1997 at nasentensiyahan noon ng apat na taong pagkakulong noong 2016.

Una na rito, ang attacker ay naiulat din na may malubhang psychiatric disorder.