ILOILO CITY – Malaki ang tiwala ng Filipino Grammy winner na si Jhett Tolentino na mananalo ang Filipino American na si Gabriella Wilson o mas kilala sa kanyang screen name na si H.E.R sa 2021 Grammy Awards.
Si H.E.R ay ipinanganak ng isang Pinay at African-American naman ang kanyang ama.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Tolentino, sinabi nito na napatunayan na ni H.E. R. ang kanyang galing matapo nasungkit ang Best R&B Performance at Best R&B Album sa 61st Annual Grammy Awards noong nakaraang taon.
Ngayong 62nd Annual Grammy Awards, lima naman ang nominasyon ni H.E.R.
Ito ay kinabibilangan ng Album of the Year para sa kanyang awitin na I Used to Know Her , Slow Down at Better Than I Imagine.
Nominado rin ang kanyang awitin na Hard Place at I Can’t Breathe para sa Song of the Year.
Napag-alaman na si Tolentino ay isa sa mga 25,000 na voting members ng Grammy Awards.