-- Advertisements --

Patuloy na nagpapagaling ang Filipino import na si Rhenz Abando mula sa kanyang injury na natamo noong Disyembre 28 ng nakaraang taon sa Korean Basketball League.

Matatandaang sinabi nagtamo ng multiple head, spine and wrist injuries kasunod ng isang mid-air collision kay Goyang Sono import Chinanu Onuaku.

Ipinahayag naman ng 25-anyos na si Abando na “feels better” na siya, tiniyak niya sa mga tagahanga ng Anyang na wag mag alala at babalik babalik siya sa hard court.

Unang naiulat na pinag-iisipan ng kanyang kampo kung gagawa sila ng legal na aksyon laban kay Chinanu Onuaku hinggil sa insidente.

Kaugnay nito nanindigan si Abando na hindi na ito itutuloy dahil napagdesisyunan nitong mag-move on na lang sa sitwasyon.