Mariing itinanggi ng Filipino-Indian businessman na si Rajiv Chandiramani ang akusasyong iniharap laban sa kanya ng nakatatandang kapatid dahil ang ‘falsification case’ na inihain nito sa Department of Justice ay nauna nang ibinasura sa Makati City Prosecutors Office.
Sa counter affidavit na isinumite sa DOJ, sinabi ni Rajiv na ang lahat ng reklamong inihain ng kapatid na si Amith ay walang basehan at gawa-gawa lamang dahilan upang ibasura ito ng piskalya.
Nag-ugat ang problema ng magkapatid na Chandiramani sa reklamo ni Amith, na nagsabing nawalan siya ng mana at mga karapatan bilang tagapagmana ng mga ari-arian at yaman ng kanilang yumaong ama na si Prem Chandarimani.
Ayon sa reklamo, pinalsipika ng respondent ang lagda ng kanilang ama sa dalawang deeds of absolute sale (may petsan Disyembre 11, 2018 at Nobyembre 29, 2019), para sa conveyance dalawang property sa ilalim ng TCT No. 46459 at TCT No. 004-RT2020000479 (PR-19450) at ang real estate mortgage (may petsang Setyembre 11, 2018) ng property covered sa ilalim ng TCT No. 46459.
Tinukoy din ni Amith, 40, sa kanyang reklamo na pinalsipika rin ng kanyang kapatid ang kanyang lagda sa deed of absolute sale (may petsang Hulyo 28, 2015) na nagbenta ng mga property sa ilalim ng TCT No. 006-2010000064 at TCT No. 006-2010000065.
Subalit ang lahat ng mga alegasyon ay itinanggi ni Rajiv at inihayag na “ang lantarang reklamo ni Amith na sumusuporta sa kanyang akusasyon ng falsification ay hindi nagbasura sa prima facie presumption ng authenticity at due execution ng mga dokumento ng pagbenta at pagsasanla na notaryado at may presumptive validity.”
Nilinaw ni Rajiv na sa paghahabol sa pag-aari ng mga nabanggit na property, pinapalabas ng kanyang nakatatandang kapatid na siya ang ‘kawawa’ at si Rajiv naman ang ‘kontrabida’ sa nobela ng kanilang pamilya.
“As the evidence will show, Amith had acted in utter bad faith and had knowingly made untruthful and deceitful allegations in his complaint affidavit . . . In doing so, he has resurrected and has re-filed the same falsification complaint that was earlier dismissed by the Makati City Prosecutors’ Office,” hinayag ng respondent.
“While these cases were at the initial stages, in order to obviate further litigation, for peace of mind and safety, and upon the persuasion of family members, Rajiv agreed to a compromise with Amith. Part of the monetary consideration for the compromise agreement is the mutual withdrawal of the cases that were filed against each other at that time, as well as a waiver and quitclaim provision covering any and all potential claims or rights against each other arising from, or in connection with the cases, as well as the estate of their late father, Mr. Prem Chandiramani. Thus, Rajiv withdrew the complaint for damages and filed a desistance in the criminal complaint for cyberlibel,” kanyang idinagdag.
Kahit binigyan ni Rajiv si Amith ng perang umabot sa milyun-milyong piso, ilang araw pa lang makaraan ang pagtupad ng kanilang compromise agreement, humiling ang complainant ng karagdagang isang milyong piso bilang advance, na ipinagkaloob naman ng respondent agreed. Dahil dito, nagsagawa sila ng addendum sa compromise agreement para sa ₱1 milyong cash advance at ratipikahin ang iba pang mga probisyon ng compromise agreement.
Naglalaman ang compromise agreement ng waiver at quitclaim stipulation na isinagawa ng complainant at gayundin ang affirmation clause na kung saan tinanggap ni Amith ang pag-aari at Karapatan ni Rajiv sa mga propeta na nakasaad sa kasunduan.
Kaya nga napagkasunduan na si Amith ay ‘legally barred’ na magreklamo pa ukol sa mga palsipikadong lagda at kung ang korte ay magdedesisyon ng kontra rito, binabalewala nito ang kasunduan ng magkatunggali sa kanilang compromise agreement at isinantabi ang mga legal implication ng desistance at waiver na isinagawa ni Amith.
Malinaw sa pirmadong ‘affidavit of desistance’ ni Amith ang pagkakasaad ng:
“2. After careful deliberation and discussions had with the respondents, I realized that the above-mentioned case merely arose out of honest misapprehension and misappreciation of the facts.
3. For which reasons, I am no longer pursuing the said criminal case, and I am respectfully asking for the withdrawal and/or dismissal of thereof, with prejudice,” sabi pa ni Amith.