-- Advertisements --
Hindi kuntento si Filipino-Japanese karateka Junna Tsukii sa pinakabagong world ranking nito.
Nasa pang-apat kasi na puwesto ito sa World Karate Federation rankings para sa female kumite -50 kilogram division.
Tiniyak nito na gagawin niya ang lahat para magwagi sa anumang torneo at ng tumaas ang kaniyang ranking.
Nanguna sa listahan si erap Özçelik Arapoğlu ang gold medalist ng 2014 World Championship at seven-time European champion.
Nasa pangalawang puwesto naman si Shar Hubrich ng Germany at pangatlong puwesto si Moldir Zhangbrybay.
Magugunitang nagwagi ng gold medal si Tsukii noong 2019 Southeast Asian Games at silver medal naman noong 2021 Asian Championships.