-- Advertisements --
Nadagdagan pa ng isang kaso ng Filipino mula sa ibang bansa na nadapuan ng COVID-19.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na pumapalo na sa 16,406 ang bilang ng mga Filipino na nasa ibang bansa ang nahawa sa COVID-19.
Sa nasabing bilang ay mayroong 10,060 na ang gumaling at 1,049 naman ang namatay.
Kasalukuyan ay mayroong 5,297 ang aktibong kaso na nagpapagaling.
Nananatili ang Middle East/ Africa sa region na mayroong malaking bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga overseas Filipinos.