-- Advertisements --

Pumalo na sa sa 13,605 ang bilang ng mga Filipino na nasa ibang bansa na nadapuan ng COVID-19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) , na mayroong 14 na bagong kaso ang naitala habang dalawa ang gumaling na.

Aabot na sa kabuuang 8,684 ang gumaling habang 941 dito ang nasawi.

Kasalukuyan namang nagpapagaling ang 3,980 na Filipino na nadapuan ng virus.

Nangunguna naman ang Middle East sa mga may Filipino na may pinakamataas na kaso.