-- Advertisements --

Patuloy pa rin ang Estados Unidos sa paghahanap ng mga health workers na nais magtrabaho sa kanilang bansa kabilang na ang mga Filipino nurses.

Sa kabila ng pangangailangang ito ang pangamba ng ilang mga aplikante na ituloy ang kanilang aplikasyon dahil na rin sa ipinapatupad na istriktong polisiya ng US sa Immigration.

Ipinatupad ang mahigpit na immigration policy kasunod ng pag-upo ni US President Donald Trump.

Una nang sinabi ni US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson na mataas ang kumpyansa ng mga Amerikano sa mga Filipino nurses.

Ito ay matapos ang ipinamalas nitong husay sa pag-aalaga sa mga pasyente lalo na noong panahon ng pandemya.

Kinikilala rin ng administrasyong Trump ang masipag at mabuting katangian ng mga Filipino Nurses.

Ayon naman sa Philippine Nurses Association of America, ang patuloy na pagtaas ng demand ng US sa mga healthcare workers ay magbubukas ng oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino.