-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nabigyan ng pagkakataong makatrabaho ng Filipino rapper at R&B singer na si Quest ang mga Filipino Canadian producers na sina Samuel at Robert Gerongco na mga nakatrabaho na rin ng international stars na sina Christina Aguilera, Little Mix, Akon at Alessia Cara.

Sa exclusive interview ng Star FM Baguio kay Quest, ibinahagi nito na grateful siya sa dalawang acclaimed producers dahil lalo pang nabigyang kulay ang kanyang komposisyong “Good Old Days”.

“During this pandemic, I wanna write this song ‘good old days, good old times.’ Then when Kuya Productions cane in, they sent me a bunch of beats, hip-hop beats. The first track that I’ve heard sabi ko I’m done, this is it. The rest is history, Good Old Days is finally out, and I’m excited to share this to everyone,” ani Quest.

Kilala sina Gerongco o ang Kuya Productions sa kanilang mga writing and at producing credits, at bahagi at nasa likod rin sila upang makamit ng singer na si Alessia Cara ang una nitong Grammy award.

“Sammy and Bobby Gerongo, they’ve been producing music for so many artists. They’ve played a huge role in Alessia Cara’s first album, which won her a grammy”

Nakilala nga si Quest sa kanyang mga hit songs na “Sige Lang,” “Dati,” “Digmaan” at “Walang Hanggan.”