-- Advertisements --
ILOILO CITY – May nakita na ang mga Filipino scientist na promising data bilang posibleng gamot laban sa COVID-19.
Ang project team sa nasabing clinical trial ay pinangunguhanan ni Dr. Philip Ian Padilla, vice chancellor for academic affairs ng University of the Philippines (UP) Visayas at isang public health expert.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Padilla, sinabi nito na nasa Phase 2 na ang clinical trial ng nasabing herbal medicine.
Anya, layunin ng 11-month study na makatipon ng 280 participants kung kaya’t sa ngayon, nagpapatuloy pa ang paghahanap ng mga volunteers o mga pasyente na may mild hanggang moderate na COVID-19 cases.