ILOILO CITY – Gagawin ng full-length ang short film na Sugat sa Dugo o Wounded Blood na nanalo ng Best Actress Award sa 2021 International Film Festival sa Manhattan.
Mula sa 40 minutes ito ay magiging 1 hour and 20 minutes.
Sa exclusive interview kay Bambbi Fuentes, writer at producer ng nasabing short film, nabitin umano ang mga manunood dahil sa impact ng storya, aniya dapat ito ay advocacy film lang sana na walo hanggang 10 minutes para sa aids awareness.
Mensahe ni Bambii sa mga manunuod lalo na sa mga kabataan.
“It’s a heavy film about life, death and love, so sana, we will be able to create awareness that AIDS is real, aids can break you and aids can break your dreams and it can break anybody’s life, Aids is a no joke.”
Isa na rin sa naghikayat kung bakit i-fufull length ang nasabing short film ay ang pagkapanalo ni Janice de Belen bilang Best Actress sa Manhantan.
Si Janice ay gumanap bilang ina ng namatay dahil sa sakit na aids.
Lead actor naman ay si Kai Flores sa direksyon ni Danni Ugali.
Ang short film na Sugat sa Dugo ay may mensahe para sa kabataan na maging aware sa nasabing sakit.
Samantala wagi rin ng Independent Achievement Award for Prudocing sa kaperong film ang isa pang short film directed by Danni UGali, na Me Time.
Ang awarding ay ginanap online ng October 17 at dahil sa pandemic ang nasabing mga award at trophies ay ipapadala na lamang dito Pilipinas.