-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nagpabilib ang 10-year-old Filipino singer at dating contestant sa latest season ng America’s Got Talent na si Peter Rosalita sa Ellen De Generes Show.

peter ellen

Inawit ng young UAE-based singer ang kantang “Never Enough” mula sa The Greatest Showman, at nakatanggap ito ng standing ovation mula sa audience at maging sa host na si DeGeneres.

Sa kanyang social media post ay nagpasalamat ito kay Ellen at itinuring ni Peter na “once-in-a-lifetime experience” ang makausap ang sikat na host at makapagtanghal sa show.

Si Peter nga ay naging bahagi ng semi-finals ng AGT Season 16 ngayong taon at maliban sa judges ay nakuha rin nito ang atensiyon ng team ng Canadian superstar na si Celine Dion na humanga sa kanyang rendition ng kantang “All By Myself”.

Maging ang team ng late music icon na si Whitney Houston ay bumilib sa Pinoy matapos ang kanyang performance ng “I Have Nothing” na kanila ngang ibinahagi sa official Facebook page ni Whitney.