Iniulat sa pinakahuling Program for International Student Assessment (Pisa), ang hindi gaanong umunlad na average score ng mga estudyanteng Filipino sa reading, mathematics, at science.
Ang mga marka ay nananatiling mababa kumpara sa mga mag-aaral mula sa ibang mga bansa.
Ang pag-aaral ng Program for International Student Assessment noong 2022, na sumaklaw sa 690,000 mag-aaral mula sa 81 bansa, ay nagsiwalat na ang pagganap ng Pilipinas sa tatlong asignatura ay katulad noong 2018 nang una itong lumahok sa assessment.
Noong 2018, nakakuha ang bansa ng pinakamababa sa pagbabasa at pangalawa sa pinakamababa sa matematika at agham sa 79 na kalahok na bansa.
Para sa 2022 assessment, ang Pilipinas ay nasa sixth to the last sa pagbabasa at matematika, habang ang agham ay third to the last sa 81 mga bansa.
Ang 7,193 Pilipinong mag-aaral mula sa 188 na paaralan ay nag-average ng 355 puntos sa matematika, mas mababa pa rin average na 472.
Ang kanilang average na mga marka na 347 sa pagbabasa at 356 sa agham ay mas mababa rin kaysa sa pandaigdigang average na 476 at 485, ayon sa pagkakabanggit.