-- Advertisements --
Nasawi ang isang Filipino teenager sa Milan, Italy matapos na mabundol ng tren sa Greco-Pirelli station sa naturang bansa.
Batay sa inisyal na impormasyon ng mga otoridad, naisugod pa sa San Gerardo Hospital sa Monza ang biktima ngunit ideneklara rin itong patay.
Ayon sa imbestigasyon, tumatawid ang biktima kasama ang kanyang magulang sa riles ng tren sakay ng kanilang scooter.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabundol ito ng dumaang tren.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Philippine Consulate General sa Milan sa pamilya ng biktima.
Nanawagan rin ito sa publiko ng panalangin para sa kaluluwa ng biktima .