-- Advertisements --
Pumanaw ang kilalang Filipino violinist na si Gilopez Kabayao sa edad 94.
Kinumpirma ito ng kaniyang asawa na musician din na si Corazon subalit hindi na binanggit ang sakit nito.
Nitong Sabado aniya ay namayapa ang asawa sa bahay nila sa Iloilo.
Si Kabayao ay nominado na maging National Artists for Music.
Siya ang unang Pinoy violinist na nagtanghal sa sikat na Carnegie Hall sa New York noong 1950 at nakatanggap ng Ramon Magsaysay Award noong 1972.
Nanguna naman ang Cultural Center of the Philippines na nagbigay pugay kay Gilopez.