-- Advertisements --
comelec

Naging matagumpay ang huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy sa lungsod ng Butuan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Tristan Niog, City Election Officer ng COMELEC -Butuan, naging maayos at mapaya ang filling ng COC.

Alas 4 ng hapon ay kakaunti na lamang humabol na magpatala sa komisyon.

Ito ay kabaliktaran sa inaasahang dami ng mga mapapatala sa huling minuto nito.

Batay sa kabuuang datos, umabot na sa 3,600 ang naghain ng COC para sa BSKE ngayong taon