-- Advertisements --

Inilunsad ng Climate Change Commission (CCC) ang Klima Film Festival.

ayon kay CCC Commissioner Rachel Anne Herrera, katuwang ng nasabing ahensya ang Oscar M. Lopez Center para sa nasabing programa.

Layon ng nasabing festival ay para mahikayat ang mga kabataan na gumawa ng short films.

Dapat naka-sentro ang pellikula kung paano naaapektuhan ng climate change ang mga kabuhayan ng karamihan.

Maaaring makapagrehistro ang mga kalahok hanggang Hulyo 31.

Bukas ito sa mga kabataan na may edad 16-22 ang maaaring lumahok.