-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY- ‘Its a proud and humbling experience’ ito ang pakiramdam ng mga direktor ng pelikula na nanalo sa isang International Film festival sa Manhattan New York, United States.

Sinabi ni Rain Ramas, isang Actor film director, na proud na proud siya na naihatid nila ang pangalan at karangalan ng General Santos City sa Film Industry sa ibang bansa.

Dagdag pa nito, nagpapasalamat siya na natupad na ang matagal na niyang pangarap na mapabilang sa ‘international stage’ at nanalo pa maraming parangal.

Nabatid na sa awards night noong October 11 sa Dine-in Cinemas sa New York City, napanalunan ni Direk Alan Filoteo ang Junior lifetime achievement filmmaking award.

Habang si Rain Ramas ang idineklara bilang Best Rizal shorts para sa pelikulang “Lean on” habang si Frenz Onia ay nanalo ng Honorable mention para sa Best actress, nanalo rin ng bronze Jury Award para sa Infomercial and Narrative Sagip Ka 2000 Foundation.

Habang nakakuha din ng Independent Achievement Award sa Filmmaking Actor/Director) sa pelikulang Amor Propio na idinirek ni Rain Ramas