Inihayag ng DOT na isang film heritage building ang planong itayo sa makasaysayang lungsod ng Intramuros sa Maynila.
Nilagdaan ng DOT at ng infrastructure arm nito ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ang 22 taong kasunduan sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) na nagpapahintulot na gamitin ang Intramuros space nito para itayo ang istruktura.
Ang gusali ay sasakupin ang isang 800 sqm.-lot sa kahabaan ng Sta. Lucia Street at idinisenyo upang maglagay ng cinematheque, film museum, film and media library, film storage/vaults at film scanning at restoration room.
Gagamitin ang property na may pahintulot mula sa Department of Finance, na rehistradong may-ari ng lote.
Ang memorandum of agreement ay nilagdaan nina DOT Secretary Christina Garcia-Frasco, TIEZA Chief Operating Officer Mark Lapid at Film Development Council of the Philippines Chair at Chief Executive Officer Tirso Cruz III.
Umaasa si Frasco na ang proyekto ay magpapalakas sa mga pagsisikap na maakit ang mga filmmakers na gumawa ng pelikula sa Pilipinas.
Aniya ang pinakabagong pakikipagtulungan sa Film Development Council of the Philippines ay higit pa sa pagtatatag ng gusali, kundi patungo sa paglago ng creative industry sa Pilipinas.