-- Advertisements --
Itinuloy na ng Warner Bros. ang paggawa ng pelikulang “The Batman”.
Ito ay matapos ang dalawang linggong nahinto matapos na magpositibo sa coronavirus ang ilang member of productions.
Ayon sa tagapagsalita ng nasabing kumpanya, natapos na ang quarantine period ng mga naapektuhang cast.
Bagamat hindi binanggit kung sino-sino ang nagpositibo ay maraming mga nasabi na isa rito ay si Robert Pattinson na siyang gaganap bilang si Batman.