Nananatili pa ring palaisipan para sa mga fans kung sino ang bubuo sa final 12 ng Gilas Pilipinas na sasabak sa FIBA Basketball World Cup 2023.
Ito ay matapos ang sunod-sunod na progreso na tune-up games kung saan sumabak ang Gilas-16.
Ayon kay Gilas head coach Chot Reyes, maninindigan siya sa kanyang naunang statement na ilalabas na lamang ang final roster dalawa hanggang tatlong araw bago ang opening.
Sa kasalukuyan roster, magsisilbing naturalized player si Jordan Clarkson kayat labing-isa na lamang dito ang pupunan.
Dalawang spot na rin ang mistulang nakareserba para sa mga World Cup veteran na sina June Mar Fajardo at Japeth Aguilar, habang tiyak na gagamitin din ng batikang coach ang 7-footer na si kai Sotto.
Nauna nang sinabi ni Reyes na gagamitin niya ang lahat ng 16 players sa mga tune up games, at dito na pipiliin ang 12 na tuluyang sasabak sa FIBA.