Inilabas na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang final 12 players ng Gilas Pilipinas na sasabak laban sa New Zealand kontra FIBA Asia Cup 2025 qualifiers.
Nanguna sa listahan si naturalized player Justin Brownlee, June Mar Fajardo, Kai Sotto, Dwight Ramos, Chris Newsome, Calvin Oftana, CJ Perez, Kevin Quiambao, Japeth Aguilar, at Mason Amos.
Hindi naman nakasama sa listahan sina AJ Edu at Jamie Malonzo dahil sa injury ganun din Ange Kouame.
Ang tanging nadagdag sa listahan ay si Scottie Thompson na hindi nakapaglaro sa Latvia dahil sa injury.
Unang makakaharap ng Gilas ang New Zealand na siyang nasa unang puwesto sa Group C na kapwa mayroon silang dalawang panalo at wala pang talo.
Sakaling manalo ang Gilas ay malalapit na sila sa FIBA Asia Cup 2025 na gaganapin sa buwan ng Agosto sa Jeddah, Saudi Arabia.
Habang sakaling mabigo sila ay may tsansa pa rin sila kapag talunin ang Hong Kong sa araw ng Linggo.