-- Advertisements --

Nagtapos na ang ikaanim na araw at final day ng 76th session ng United Nations General Assembly sa New York.

Ilang mga world leaders ang naging tampok din sa huling araw ng UN assembly kung saan ang mga nagtalumpati ay sina Israeli Prime Minister Naftali Bennett, na sinundan ng United Arab Emirates, Yemen, Syria at ang ambassador ng North Korea.

Nagkataon naman na ang pagtalumpati ng kinatawan ng kumunistang bansa ay pagkatapos magpakawala ang North Korea ng ikalawang missile launch ngayong buwan.

Binigyan diin ng top envoy ng NoKor na karapatan nila ang mag-testing ng kanilang mga armas.

Ayon sa kanya, ang pagbuo raw nila ang mga armas pandigma ay upang pangalagaan ang kanilang seguridad at kapayaan.

Kung tutuusin daw ang Amerika ang siyang may pinakamalaking nuclear arsenal sa buong mundo at ito raw ang palaging nagbabanta sa kanila.

Samantala ang pinakawalang short range missile kanina ng North Korea ay tumama sa east coast ng Mupyong-ri, na ang lokasyon ay sa Jagang Province malapit sa border ng China.

Agad namang nagpulong ang National Security Council ng Japan at South Korea.

Sa assessment naman ng U.S. Indo-Pacific Command ang pagpapalipad daw ng ballistic missile ng North Korea ay hindi naman naging banta sa mga US personnel at sa kanilang mga kaalyado.