-- Advertisements --

Nakatakdang isapubliko ng World Health Organization (WHO ) ang international investigation nila sa pinagmula ng COVID-19 na nagmula sa China.

Ayon kay WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus, na sa orihinal na plano ay ilalathala ito sa dalawang bahagi subalit nagpasya sila na ilabas na lamang ito ng sabay.

Dagdag pa ng WHO director na sabik na rin siya na makita ang nasabing ulat.

Posible aniya sa Marso 15 ilalabas ng buo ang nasabing ulat.

Magugunitang nagtungo ang grupo ng mga eksperto sa China para sa masusing pag-aaral sa pinagmulan ng nasabing virus.